Jiro Manio, balik sa dating gawi?

NANGHIHINAYANG naman kami Jiro Manio dahil balitang back to his old ways na naman ito. Meaning hindi na naman ito mapaghagilap na pati ang trabaho nito ay pinababayaan. Ni hindi na namin siya nakikita sa taping ng Little Star kaya malamang na tinigbak na rin ang role niya sa nasabing teleserye.

Sayang lang ang effort ni Direk Maryo Delos Reyes at GMA para pabanguhin ulit ang career niya kung nagiging pasaway na naman siya. Ano ba talaga ang problema ni Jiro?

LOVI POE, SA HONG KONG MAGPAPASKO PARA MAKASAMA NG BF

Iniintriga na naman si Lovi Poe na nagiging pasaway lately at binibitin daw ang taping ng Little Star. Kesyo madalas daw siyang tumatakas papuntang Hong Kong para bisitahin ang boyfriend niyang si Ronald Singson.

Mukhang hindi naman ganoon ang kaso. Kasi madalas kaming nagte-taping para sa Little Star kasama ang iba pang reporters at ang lagi namang kaeksena ay si Lovi mismo kaya obvious na hindi niya binibitin ang taping ng Little Star!

Pero ano itong narinig namin na kung sakaling hindi pa raw pababalikin ng Hong Kong authorities si Singson by Christmas ay desidido raw magpunta si Lovi sa Hong Kong para doon mag-Pasko para makapiling ang boyfriend. Naku, kung hindi ba naman love yan, e ewan na lang namin!

MARIA RESSA, NAG-RESIGN SA ABS CBN DAHIL AYAW KAY NOLI DE CASTRO

Ano itong tsika na narinig namin na isa sa dahilan daw kung bakit nag-resign si Maria Ressa bilang head ng news and public affairs department ng ABS-CBN ay dahil tinutulan daw nito ang pagbabalik ni Noli de Castro sa TV Patrol?

Mas malala rin daw ang intrigahan sa loob ng news and public affairs department ng ABS-CBN kaysa sa entertainment department ng Kapamilya network. Isa na rito ang matagal na hidwaan daw nina Korina Sanchez at Karen Davila. Kaya naman hindi raw naging maganda para kay Karen ang pagpapalit sa kanya kay Korina sa TV Patrol. To the point na na ni-reject na paborito naming newscaster ang offer na ilipat siya sa Bandila.

Samantala, game naman na pumayag kaagad si Julius Babao na ilipat siya sa Bandila.

WILLIE, SHALANI NAGGAGAMITAN?

Naggagamitan lang daw sina Willie Revillame at Shalani Soledad. Halata namang wala sa tipo ng babae ni Willie si Shalani kasi 30 na ito at alam naman ng lahat na mahilig ang sikat na host sa mga bata. Kaso maganda ngang “gimik” para sa show niyang Willing Willie ang pagkuha kay Shalani dahil sa pagiging ex-GF nito kay P-Noy. Kumbaga, may recall at news worthy nga si Shalani kaya makakatulong ito to generate interest sa show.

Sa parte naman ni Shalani, posibleng tinanggap nito ang show para ipagsigawan sa lahat na may buhay pa rin siya after P-Noy. Na pUwede rin siyang sumikat at her own merits, not to mention ang siguradong malaking TF na inoffer sa kanya ng TV5.

Ang tanong, tatagal kaya si Shalani sa show, considering na hindi maganda ang naging feedback niya sa unang araw niya sa Willing Willie. Kesyo mahiyain pa raw ito at kulang na kulang sa energy kung itatabi sa napaka-hyper na si Willie.

***

After AWARE 2008 and MOVE 2009, heto na naman ang Project Headshot Clinic ng ace photographer Niccolo Cosme and Direk Jethro Patalinghug sa kanilang latest project na ACT 2010 which call for action regarding AIDS by taking the HIV test and taking their headshots para sa campaign.

Photo shoots are scheduled on Nov. 13, 14 and 20 at the Lighthouse Studio, Malate. Lahat ng headshots na kukunan ay ipo-post online sa Facebook on Dec. 1 which is World Aids Day. For inquires call 09179171162.

24th PMPC Star Awards for TV set tomorrow

THE 24th PMPC Star Awards for television is finally set tomorrow, Saturday, at 6p.m. at the Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila, Pasay City (in front of NAIA Terminal 3.

TV airing will be held on November 20, 2010, on ABS-CBN Channel 2 after Sports Unlimited.

Hosts are Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao and Angel Aquino. Trivia host is Richard Gomez.

Billy Crawford will do the opening number, while Kuh Ledesma on the  finale.  Performers include Toni Gonzaga, Joey Albert,  John Prats, Iya Villania, Nikki Gil, Gab Valenciano, Rochelle Pangilinan, Carol Banawa, G. Force Dancers, and 3 surprise big stars will give tribute to Lifetime Achievement Awardee, Mr. Tony Tuviera.

Big Stars from the two major networks will present the awards. Tonee Coraza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply