John Lloyd, bibilib lang na ok na si PNoy at ex-GF pag may wedding invitation nang matatanggap

NAGIGING habit na namin ang manood ng Juicy sa tanghali araw-araw dahil sa nakakatuwang rapport ng limang hosts nito na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Alex Gonzaga, IC Mendoza at Shalala. Super laugh kami sa mga “re-enactment” nila ng kanilang blind items na sa dami at obvious na mga clue na ibinibigay nila ay nahuhulaan mo na rin kung sino-sino ang mga pinapatungkulan nila.

At para mas maging credible, interactive at kaaya-aya pa ay nag-iimbita na rin sila ng 10 movie press per episode nila na hindi nagagawa ng ibang talk shows (bukod sa Paparazzi ng TV5 rin na may invited press sa kanilang Prescon Express On Air na segment). And what’s more, may advantage ang Juicy na mapapanood ang replay tuwing midnight the following daw kaya naman ýung mga naka-miss ng tanghali ay puwedeng mapanood ang show ulit sa hatinggabi. San ka pa? Di ba Omar at Liza?

***

May lumabas na tsikang engaged na raw ang ating Presidenteng Noynoy Aquino at ang stylist nitong si Liz Uy ( sa Oct. 11, 2011 nga raw ang mangyayaring kasalan ) kaya minabuti naming kuhanan ng pahayag ang famous ex-BF ni Liz na si John Lloyd Cruz tungkol sa isyung ito.

Nakangiting sinabi ni Lloydie na marami rin daw siyang naririnig tungkol kay Liz at kay PNoy pero maniniwala na lang daw siya kung makakatanggap siya ng wedding invitation mula sa dalawa. Wala raw kasi silang komunikasyon ni Liz ngayon kaya hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanyang ex-GF.

At any rate kung totoong nagmamahalan daw sina Liz at PNoy ay wala naman siyang tutol. Liz and the President deserves to be happy naman daw. Ang tanong, makakatanggap naman kaya siya ng wedding invitation kung saka-sakali?

***

Inilawan na nga ang buong Araneta Center noong Biyernes ng gabi sa kanilang traditional Christmas Tree lighting. Masasabi naming mas maganda ngayon ang higanteng Christmas tree na nakapuwesto sa harapan ng Araneta Coliseum dahil gumamit sila ngayon ng makabagong desenyo ng icicle lights na para bang may mga shooting stars na nakapalibot sa buong giant Christmas tree.

Siyempre pa dahil isa itong Araneta event, isa sa special celebrity guests ng gabing ‘yun ay ang ating Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj na kaliwa’t kanan ngayon ang mga commercial endorsements.

Sa ngayon, hindi pa niya alam saan ba siya magpapatali, kung sa Kapamilya, Kapuso o Kapatid network. Mas maganda raw ýung freelance status niya kung saan kahit saang TV station ay malaya siyang nakakalabas.

Although inamin niya na nagkaroon siya ng offer na maging co-host ng Willing Willie ni Willie Revillame sa TV5. Pero nang mapanood niya ang paglabas ng Valenzuela Councilor Shalani Soledad sa show ay inassume na niya na hindi na siya matutuloy sa naturang game show.

But knowing Willie, feeling naming ay mas type niyang maging co-host si Venus Raj dahil kilala si Willie na mahilig sa mga beauty queens. Di ba’t na-link pa siya noon sa dating Miss International natin na si Lara Precious Quigaman na naging co-host niya dati sa Wowowee?

Mukhang mas energetic din si Venus bilang isang host kumpara kay Shalani. Anyway, let’s wait and see baka naman kunin pa rin si Venus ng Willing Willie as another co-host. Kapag nangyari ýun, malamang matalo na nang tuluyan nang Willing Willie ang TV Patrol at 24 Oras! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply