John Lloyd Cruz, pinabulaanang split na sila ni Shaina

PINASINUNGALINGAN nga ni John Lloyd Cruz ang mas lalo pang lumalala na  estado daw ng kanilang relasyon.

Nasa stage na raw ito na nagkakalabuhan hanggang sa humantong sa hiwalayan matagal na raw naririnig ng mahusay na aktor ang tsika na split na sila ng kanyang gf na si Shaina Magdayao.

Kaya bilang buwelta ng kampo ni John Lloyd ay pinabulaanan nito na wala daw katotohanan ang nagkalat na tsika na wala na sila ni Shaina.

Still going strong nga raw ang kanilang relasyon kaya gulat na gulat naman si John Lloyd sa mga naglabasan na tsika.

Kaya nanawagan siya sa kanilang detractors na tantanan at tigilan na sila ng mga maling tsismis.

Sa ginagawa nga raw ng mga detractors nila na pilit silang pinaghihiwalay ay mas lalo daw tumitibay ang kanilang relasyon.

Alam ng kampo ni John Lloyd na marami ang gustong sumira sa kanilang relasyon ni Shaina. At natutuwa naman si John Lloyd na nanatiling matatag ang kanilang relasyon ni Shaina sa kabila ng mga nagkalat na tsismis na hiwalay na sila.
‘Yun na!

KUNG INIALAY NI DINGDONG KAY MARIAN ANG TROPHY NIYA, SI GERALD NAMAN KAY KIM CHIU

First acting award ni Gerald Anderson itong nakuha niya sa Star Awards na kung saan ay itinanghal siya bilang Best Single Male Perfomer para sa kanyang pagganap sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya.

Walang pagsidlan itong si Gerald at nagbunga na nga raw ang kanyang paghihirap at unti-unting napapansin ang akting niya.

At ito nga ang katunayan ang nakaraang 24th Star Awards na nakopo niya ang pagiging Best Single Performer sa MMK.

Hindi nga raw niya inaasahan na mapapansin ang acting niya sa MMK at nagulat na nga lang daw si Gerald ng siya ay tawagin at manalo.

Ganun daw pala ang feeling pinaghalong kaba, nerbiyos at saya at dahil first acting award ni Gerald ito ay gusto pa niyang makakuha ng mas maraming acting awards. Kaya mas lalo naman niyang pagbubutihin ang akting sa mga project na maibibigay sa kanya.

Ito na nga raw ang simula ang mapansin ang kanyang kakayahan sa pag-arte at hindi nga lang isa kundi marami pang acting awards ang inaasahan ng guwapong binata.

Sa speech nito ay maraming naloka imbes nga raw kay Bea Alonzo inialay ang kanyang tropeo ay kay Kim Chiu daw ito inihandog.

May ibig bang sabihin dito si Gerald?

Well, well, well… Abangan!

MELODY KWAN, ENJOY SA PAGLABAS SA PELIKULA AT TELEBISYON

Hindi  nga lang isang event organizer itong si Melody Kwan, kahit nga ang pagiging actress ay kina-career din ni Melody.

Marami kasi siyang koneksyon sa showbiz at politika kaya naman ang pagpasok niya sa showbiz para makaarte ay hindi na naging dahilan para matagalan pa ang paggawa niya ng mga project.

Masyado daw enjoy si Melody sa pag-arte ‘yung una ay parang wala lang pero nung nag-e-enjoy na siya ay para raw hinahanap hanap na ng kanyang katawan, kaya kapag may call siya para makapag- taping at shooting ng isang project ay ina-assure ni Melody na maging propesyonal para raw mas marami pang project na ialok sa kanya. Jovi Lloza

Hindi daw totally ititigil ni Melody ang pagiging event organizer, patuloy pa rin ito at katunayan, may mga event ito na tagumpay lahat.

Kaya naman thankful si Melody sa mga blessings na dumarating sa kanyang buhay at isa na lang daw ang kulang ang lovelife. Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply