Jovit Baldivino, gustong umabot ang kinalalagyan kay Charice

Sikat na nga si Jovic Baldivino, ang kauna-unahang grand winner ng Pilipinas Got Talent. Inilabas na ang kanyang self-titled debut album under Star Records na certified platinum kaagad. Nagkaroon na rin siya ng regular teleserye kasama ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, Sam Milby at Coco Martin. Tapos ngayon naman ay handa na siya sa kanyang first ever major solo concert titled “Faithfully” sa Aliw Theater sa Sabado, Nov. 13.

Kakantahin niya ang lahat ng songs niya sa kanyang album plus some famous love songs and OPM classics. Special guests niya Sam Milby, Kim Chui, Yeng Constantino, Melai Cantiveros, Jason Francisco at Nyoy Volante na siya ring musical director ng concert.

Si KC Concepcion ang balak niyang imbitahin sa concert niya dahil matagal na niyang crush. “Nakita ko kasi na kahit na sikat at mayaman si KC ay tanggap niya ang mga taong tulad ko na mahirap lang. Totoong tao siya at marunong siyang makisama sa mga tao,”pahayag ni Jovit.

Gusto rin niyang marating ang narating ni Charice. “Gusto ko ring makalabas sa Glee kung mapapansin ako ng mga taga-Amerika. Nakarating na rin ako ng States nang mag-show ang Star Magic talents doon. Bilib talaga ako kay Charice dahil naabot niya ang pangarap niya kahit hindi siya ang nag-champion dati sa Little Big Star. Kasi naman matatag siya at multi-talented kaya siya nakalusot sa Amerika. Sana balang araw, ganon din ako,”pahiwatig ni Jovit.

Wala raw siyang girlfriend ngayon pero naka-tatlong girlfriends na siya dati. Puro sariling sikap lang daw siya pagdating sa kanyang sexlife.
Natutuwang ibinalita ni Jovit na tumangkad na siya. “Tumangkad na nga ako nang konti sa kakainom ng Cherifer. Dati 4’11 lang ako, ngayon 5’2 na ako,”tugon ni Jovit.

Ang producer ng kanyang concert ay ang controversial na businessman na si Edgar Mangahas.

***

Aba artista na rin pala ang manager ni Christian Bautista na si Carlo Orosa na dati ring sikat na recording artist. And take note, isang international film pa ang kanyang acting debut.

Kinuha siya mismo ng producers ng Nation Picture sa Indonesia para gumanap bilang manager ng character ni Christian Bautista sa pelikula.

Ang title ng movie ay “Jayden’s Choir” at nakatakdang ipalabas ito ngayong Pasko sa Indonesia. Hopefully, maipalabas din ito dito sa Pilipinas with English subtitles of course.

Yes parehong nag-aral ng native language ng Indonesia sina Christian at Carlo para sa kanilang lines sa movie. O di ba sosyal. Next na gagawin ni Christian ay isang teleserye naman sa Indonesia rin. Kaso kailangang bumalik-balik siya dito sa Pinas para sa ASAP at iba pa niyang commitments.

Aba, sa totoo lang, mas sikat pa yata si Christian sa Indonesia kaysa dito sa Pilipinas. Siya ang male counterpart ni Carmen Soo, ang Malaysian actress na may career din dito sa Pinas.

***

Si Jackie Woo ang special guest sa Bubble Gang this week. Kasama siya sa Gay Si Boss gags at Stripwish comic sketch. Ano kaya ang Bagong Teknik ng Matapang Na Announcer? Ready To Rumble na rin ang kanyang mga Kamag-anak! Kinagigiliwan nang husto ang mga regular segments ng show na Cheche, Moymoy at Sure Bubble (spoof ng Survivor Phils). Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply