Joyride ng 4 kabataan, 2 patay, 2 kritikal

CAMP OLIVAS, Pampanga-Dead on the spot ang da-lawa sa apat na kabataang nagkatuwaang sumakay ng motorsiklo matapos silang sumalpok sa kasa-lubong na pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Gabriel bayan ng  Macabebe.

Nabatid sa ulat ni P/Chief Inspector Carlito Fabro, hepe ng Macabebe police, sa tanggapan ni Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, Central Lu-zon Police director, nakilala ang dalawang nasawi na sina Gerald Sigua y Tolentino 22 anyos,  binata at John Paul Gutierrez y Mallari, 17 anyos.

Agad namang ipinadala ni Dra. Agatha Miranda, ang dalawang backrider sa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa City of San Fernando dahil sa kritikal na kondisyon na kinilalang sina Ryan Lloyd Espino y Perez, 19 anyos at Bonifacio Gutierrez y Ariola, 18, pawang mga taga-Brgy. San Rafael, Macabebe.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Alvin Bustos, bandang alas 6:40 ng gabi ay may nakakita umanong nagkakatuwaan ang apat na kabataan habang sakay ng humahagibis nilang puti at walang plakang motorsiklo na minamaneho ng biktimang si Gerald nang bigla umanong gumewang-gewang ang motor hanggang sa sumalpok sa kasalubong nitong jeepney na may plakang CXL-630 na minamaneho ni Bienvenido Yalung y Cano, 53 anyos, ng Sitio Batasan, Brgy. Colgante, Apalit, Pampanga.

Isinugod sa Our Lady of Holy Rosary Hospital ang apat subalit idineklarang dead on the spot sina Gerald at John Paul habang patuloy pang isinasalba ang mga kasama nilang sina Bonifacio at Ariola. Buddy Arevalo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply