JuanMa Marquez igaganti ang kapatid kay JuanMa Lopez

Hindi malayong tanggapin ni boxing world champion Juan Manuel Marquez ang hamon ni undefeated World Boxing Organization featherweight champion Juan Manuel “JuanMa” Lopez upang iganti ang nakababata nitong kapatid na si Rafael Marquez na binugbog ng Puerto Rican noong Linggo.

Tinalo ni Lopez si Rafael sa pamamagitan ng eighth round TKO.

Ayon kay Lopez, nakahanda umano siyang harapin ang nakatatandang kapatid ni Rafael sa catch weight na 130 pounds.

Si Juan Manuel Marquez ay three-division world champion at kasalukuyang The Ring Lightweight World Champion kung saan kabilang sa mga nakalaban nito ay si 7-division world champion Manny Pacquiao.

Pero bago ang posibleng JuanMa versus JuanMa fight, bukas umano ang kampo ni Lopez na humarap sa isang rematch laban kay Rafael.

Ipinatigil ng doktor ang laban bago magsimula ang 9th round dahil sa nagreklamo si Marquez ng pananakit ng balikat dahilan upang ideklarang panalo si JuanMa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply