Julaton susuntok sa Disyembre

NAGSASANAY na ngayon si Fil-Am lady boxer Ana ‘The Hurricane’ Julaton sa gym ni dating WEC featherweight champion Urijah Faber na Ultimate Fitness gym sa Sacramento, California.

Si Julaton ay nasa California capital dahil magiging panauhin ito sa event para sa  first generation Filipino-Americans mula 50’s kasama ang kauna-unahang Filipino-American Chief Justice na si Tani Gorre Cantil-Sakauye.

Kasama ni Julaton sa gyms si WEC bantamweight star Joseph Benavidez kung saan ang 3-time world champion ay sumuntok nang matagal sa bags at nag-shadow boxing.

Ayon kay Julaton, ready na siya sa kanyang laban sa Disyembre ngunit hindi pa pinapangalanan ang makakatunggali niya sa ibabaw ng ring. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply