Kabahayan sa QC, tinupok ng sunog

NATUPOK ang ilang kabahayan matapos magkaroon ng sunog sa squatters area sa Quezon City, umaga ng Huwebes.

Ayon sa report ng dzBB’s, umabot sa ikalimang alarma ang naturang sunog na malapit sa Scout Borromeo at Scout Torillo streets sa Quezon City bandang 9:44 a.m.

Tinupok ng naturang sunog ang maraming barung-barong kung saan gawa lamang sa mga light materials.

Nahirapan ang mga  bumbero na makapasok sa lugar at maapula ang apoy dahil sa mga bakod na nakabalandra sa kanilang dadaanan.

Wala namang napaulat na nasugatan kung saan pinipilit ng mga pamatay sunog na hindi umabot sa mga commercial at business establishment ang naturang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply