Kagawad durog ang nguso sa kainuman

Nasira ang  pustiso ng isang re-elected na barangay kagawad matapos pagsusuntukin ng magkaibigang pawang lango sa alak, kamakalawa ng gabi, sa Brgy. Taniong Malabon City.

Kinilala ni Supt. Reynaldo Orante, ang biktimang si Paul Sahagun, 57, may-asawa at  re-electionest  councilor ng Brgy, Taniong ng nasabing lungsod.

Samantala ang mga suspek na bugbog-sarado  sa taumbayan  at nahaharap sa kasong Respondent Direct Assult  ay nakilalang sina Melfred Espino  20, at Lemuel Garcia, 21, pawang  binata at residente ng  Davila st., Navotas West, Navotas City.

Ayon sa imbestigasyon ni P03  Jerry dela Torre, ganap na alas-7:00 kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Napag-alaman na may salo-salo  sa bahay ng biktima nang pumasok  ang mga lasing na suspek.  (Roger Panizal)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply