Kahit lumuha ng dugo, Heart di mapapatawad ni Annabelle

WE agree sa mga opinyong lumabas hinggil sa pag-iyak at paghingi ng tawad ni Heart Evangelista kay Annabelle Rama.

Totoo namang labis na sinaktan ng pamilya ni Heart si Bisaya kaya natural lang na lumuha man ito ng dugo, di muna niya ito kayang patawarin.

But let us see, panahon naman ng Kapaskuhan, who knows, maglulubag din ang loob ni Annabelle.

Hindi kaya Jun Lalin?

Heto nga ang sinasabi ng isang kolunmnista: Natural lang naman ang reaksiyon ni Annabelle, dahil sa totoo lang, wala na halos career iyang si Heart nang pulutin niya. Binuhay niya ang career niyon, nagbigay ng malalaking break, at ngayon ngang medyo nakaangat nang muli, bigla na lang sasabihing ayaw na nila at ang simpleng dahilan ay nanghihinayang na sila sa komisyon na nakukuha niyon mula sa kinikita ni Heart.

Ngayon, naiisip na nilang ang perang iyon ay dapat pinakikinabangan na ng kanilang pamilya kaysa ibinabayad sa manager. Pero noong hindi kumikita si Heart, at wala siyang career, hindi nila naisip iyon.

Anyway, nangyari na nga ang lahat ng iyan. Ano pa nga ba ang mangyayari mag-iiyak man siya. Siguro hindi nila expected na ganoon ang magiging reaksiyon ni Annabelle, eh ano ba naman ang maaasahan mo?

Palagay namin nagawa na nila ang desisyong iyon, at siguro kung iaalok nila ulit kay Annabelle ang trabahong mag-manage kay Heart, mag-iisip din muna si Bisaya kung tatanggapin pa niya iyon, dahil baka kung mas lalo pa niyang mapasikat iyon, mas lalo lang siyang susuwagin pagdating ng araw. Kaya palagay namin malabo na ngang magkaayos ang mga iyan, mabuti na nga lang at medyo tahimik na. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply