Kahit umuulan, mga sementeryo dinumog

HALOS di mahulugang karayom dahil sa rami ng taong dumadalaw sa loob ng sementeryo sa kabila ng makulimlim na tema ng panahon upang matirikan ng kandila at mag-alay ng bulaklak ang puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Ayon naman kay MPD officer-in-charge (OIC) Chief Supt. Roberto Rongavilla,tinatayang halos 500 kapulisan at 1,000 volunteers,traffic enforcers at barangay tanod naman ang itinalaga sa mga sementeryo sa Maynila para sa seguridad ng mga dumadalaw.

“Nagsimula na kami ng aming operation para sa undas called Task Force Kaluluwa at ito po ay magiging effective hanggang Martes ng gabi. Our added force will include barangay tanods to intensify our visibility patrol,” ayon kay Rongavilla.

Aniya,ang mga law enforcers ay magsisilbing mata ng apat na major cemeteries sa lungsod at ito ay ang North,South, La Loma at Chinese Cemetery sa araw ng All Saints at All Souls Day.

Gayunman,muling pinaalalahanan ang mga dumadalaw sa kani=kanilang mahal sa buhay na huwag magdala ng nakamamatay na armas,alak,gambling paraphernalias at maging ang nagdudulot ng maiingay na sounds ay ipinagbabawal din sa loob ng sementeryo.

Nakahanda na rin 24 oras na pagpapatrolya ang mga police mobile cars sa apat na sementeryo at sa Pandacan depot,Malacañang complex,US Embassy upang maiwasan ang may masasamang loob na mananamantala sa paghahasik ng karahasan.

Dakong 12:00 ng tanghali pa lamang ay nabatid na mula kay MPD – District Tactical Operations Center (MPD-DTOC) OIC Police Insp. Alex Fransisco na may 120,000 na ang dumadalaw sa North Cemetery.

Kabuuang 30,000 naman ang bilang ng dami ng taong dumalaw sa South Cemetery habang 3,700 sa Chinese Cemetery at 8,000 sa La Loma.

Gayunman,inaasahan pa ring dadagsa ang tao sa mga sementeryo kung saan aabot ng 2 milyon .

“Bagamat may mga lumalabas ay mas marami naman ang pumapasok ng sementeryo”ayon kay Francisco. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply