Kaligtasan ng OFWs sa South Korea siniguro

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang  Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensya ng gobyerno na siguruhin ang kaligtasan ng 60,000 Overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea.

Ayon kay PNoy,  kailangang muling silipin at pag-aralan ang mga umiiral na patakaran at plano upang matiyak na ligtas ang mga Pinoy worker doon.

Nauna nang pinasabugan ng North Korea ang isang isla malapit sa pinagtatalunang border kung saan dalawang sundalo ng South Korea ang namatay.

Binigyang diin din ng Chief Executive na nakatutok siya sa developments sa Korean Peninsula.

“We are closely monitoring it and I have tasked the relevant agencies to review their plans concerning the safety of our citizens there.  We will meet regarding North Korea and come  up with our position after gathering and evaluating the verified info. Presently working and ensuring safety of our countrymen  there,” pahayag ni Pangulong Aquino. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply