Kapangalan ng dating pangulo pinaslang

KAPANGALAN  ng dating pangulo ng Pilipinas ang sinumpak at napatay ng isa sa tatlong kalalakihan na  matagal nang  kaalitan nito  habang naka-upo sa harapan ng kanyang tahanan, sa Brgy. Maysilo. Malabon City.

Ang bikima na hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi nang tama ng improvise shotgun sa dibdib ay nakilalang  si Carlos Garcia, 24, binata, residente ng 40 B Sitio Rosal st. Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito ay agarang namang inatasan ni Supt. Reynaldo Orante ang pulisya na arestuhin  ang magkapatid na sina Joel at Je Enriquez, pati kaibigan nitong si  Olek Dionisio, pawang nasa hustong edad.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jerry Dela Torre, ganap na 1:10 kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Base sa salaysay ng saksing si Serafin, 20, kapatid ng biktima, nakaupo lamang  ang kanyang kuya kasama ang kaibigan sa harap ng bahay nila nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at isa sa mga ito ay agad na pinutukan ng sumpak ang kanyang kapatid. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply