Kapwa kongresista “bow” kay Rep. Manny

Bilang isang Pilipino at bilang isang mambabatas, tunay na maipagmamalaki ang pound por pound champion na si Sarangani Rep. many Pacquiao matapos nitong talunin ang Mehikanong si  Margarito.

Ito ang ipinahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte sa walang mapagsidlan na tuwa niya matapos makapanayam ng mga mamamahayag matapos niyang samahan ang mga empleyado ng Kamara na nanood ng live sa mismong gym ng Kamara sa Batasan Complex.

“We saw that he is leading all the way. So we‘re proud of him and we congratulate him. Iyong pagiging kapwa mambabatas namin ay incidental lamang, ang importante ay bansa natin ito and he brought us more glory,” ayon kay Belmonte.

Ganito rin ang naging pahayag ng kaibigan ng pinoy boxer na si San Juan Rep. JV Ejercito sa pagsasabing,  “I join the nation in celebrating Manny Pacquiao’s victory. He has once again made us all Filipinos proud by dominating Antonio Margarito in today’s WBC Super Welterweight boxing bout making him the world’s greatest boxer of all time,”  wika ni Ejercito .

Bumati rin ang mga kasamahang kongresista ni Pacquiao gaya nina Bayan Muna Rep. Teddy Casino na nagsabing “Si Rep. Pacquiao ay hanep na ehemplo ng kahusayan, galling, katatagan, sportsmanship at lahat ng  magagandang bagay ng pagiging isang Pilipino. “

Nagpaabot din ng pagbati si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara “this victory of Rep. Pacquiao is one of the rare moments when we really feel proud for being a Filipino.”

Napahanga naman ng Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco ang panalo ng mambabatas sa pagsasabing “his display of sportsmanship and kindness to an opponent like Antonio Margarito who issued unsavory remarks against him makes me really proud of our boxing hero.”  (Meliza Maluntag)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply