Karangalan kay Mikee Cojuangco-Jaworski

NAGPAGPASYAHAN ng Philippine Olympic Committee na italaga si dating equestrian gold medalist Mikee Cojuangco-Jaworski bilang flag-bearer sa opening ceremonies ng 16th Asian games sa Guangzhou, China sa Nobyembre 12.

Lumabas ang pahayag noong Biyernes sa idinaos na send-off ceremonies sa PhilSports Multi-Purpose Arena sa Pasig, City.

Sa pagbabalik gunita na noong 2002 Busan Asiad nasungkit ng mga atletang Pilipino sa pangunguna ni Cojuangco-Jaworski ang 3 medalyang ginto, 17 pilak at 16 tanso samantalang sa ginanap na 2006 Doha games ay nasungkit ng RP delegation ang 4 golds, 2 silver at 9 bronze medals.

Ayon kay POC president “Jose Peping” Cojuanco, Jr.,  napakalaking karangalan sa atin na magpamalas ng maganda sa labanan sa Asian games. Hindi ko sinasabing mananalo tayo. Nais ko lang na sana ay maganda ang ipakita ng ating mga atleta.

Samantala, nagpahayag ang 36-anyos na si Cojuangco-Jaworski ng kasiyahan at karangalan sa pagkakapili sa kanya bilang flag-bearer ng RP delegation. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply