Karen Davila no choice kaya tinanggap ang Bandila

KALOKA talaga si Karen Davila. May statement pa siya noon na kesyo hindi raw niya tatanggapin ang Bandila dahil sa tampong-pururot niya sa pagkaka-tanggal niya sa TV Patrol to give way for the return of Korina Sanchez (her supposed to be arch-rival) pero,  heto’t may inilabas na press release ang ABS-CBN news and public affairs department na tuloy na ang pagiging news anchor niya sa Bandila kasama si Julius Babao (na natsugi rin sa TV Patrol to give way to Noli de Castro naman).

Makakasama nila si Ces Drilon gabi-gabi.

Ang probable na rason na naisip namin ay wala siyang choice kundi tanggapin na ang offer ng Bandila dahil naka-kontrata siya sa ABS-CBN. Or nahimasmasan na siya sa kayang pagkairita at naisip niyang gawin na lang ang Bandila for practical reasons.

Whatever reasons she has, natutuwa kami dahil mapapanood na namin siya ulit sa news. Paborito kaya namin siyang news anchor.

Gusto lang naming malaman kung ano na ang mangyayari sa isa pa naming paborito na si Henry Omaga-Diaz?

***

We have always liked Ian Batherson from Starstruck Batch 5 for his mestizo good looks and hunky body. Kaya naman natuwa rin kami nang makasama siya sa Survivor Phils Celebrity Showdown kasi he is competitive at deserving din siyang magkaroon ng show tulad ng nahirang na Final Five sa batch nila.

Hindi na rin kami nagtaka nang kunin na siya ng isang underwear company tulad ng Sunjoy Underwear to be their celebrity endorser kasi naman he has the body and the appeal to wear briefs. Kaya siguradong matutuwa na ang fans niya kung makita na ang kanyang naglalakihang billboards sa EDSA for Sunjoy Underwear. Kung matatandaan, siya ang hinirang na “bukol king” sa batch niya sa Starstruck, kaya his underwear billboards will surely make a pretty sight!

Sa mga nagnanasang mga bading sa kanya at nagwa-wonder din kung pumapatol ba siya sa gays, ang kanyang sagot ay isang malaking “NO!”. Marami na nga raw siyang natanggap na mga indecent proposals from inside and outside of showbiz. At kung pinatulan lang daw niya ang mga offers na ‘yun e di sana raw ay marami na siyang pera at projects ngayon.

Sa mga nagdududa rin na isa siyang bading dahil sa kanyang malumanay na pagsasalita at pagkilos minsan ay ýun ay dahil sa kanyang pagiging isang Inglesero. Medyo mabagal pa siyang magsalita nang Tagalog.

Babae raw ang hilig niya at hindi lalake. Sa katunayan, ang crush niya sa showbiz ay walang iba kungdi si Kim Chui. Natutuwa ngan siya sa balitang hiwalay na sina Kim at Gerald Anderson dahil may pag-asa na siyang ligawan ang kanyang crush. At mukhang may chance naman siya dahil mahilig si Kim sa mga tisoy.

***

Marami ang nagtataka kung bakit hindi nanalo ang Bubble Gang sa nakaarang Star Awards For TV ng PMPC bilang best gag show. Anyway, the ratings will prove kung ano talaga ang pinapanood ng mga tao.

Tulad this week tiyak na panalo na naman sa katatawanan ang Tunay Na Work gags at Di Tanggap Na Patay comic sketch. Yari Ka, Homophobic, Stop Sa Sex muna at baka kaw ay ma-Kidnap. Sino si Sugatang Sundalo at bakit may Ibang Hair siya? Reyp-Reypan ang mga Gay Hiphop dahil ayaw nina Nunette at Cheche nang ganyan! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply