Kaso ng volunteer nurse rape victim iimbestigahan ng Kamara

Nakatakdang imbestigahan ng Kamara ang naganap na panggagahasa sa 21 anyos na volunteer nurse sa South Upi, Maguindanao.

Ito ay base sa House Resolution 43 na inihain ni Deputy Speaker Erin Tañada na humihiling sa Committee on Labor and Employment at Committee on Women na magsagawa ng joint inquiry sa kaso ni “ Florence .”

Si Florence ay nagsisilbi sa ilalim ng Nurses Assistance for Rural Services (N.A.R.S.) program ng pamahalaan.

Layon nito na makapagrekomenda ng panukalang batas para maprotektahan ang kaligtasan ng mga volunteer nurses at health workers lalo na yaong nasa malalayo at liblib na lugar.

Base sa imbestigasyon, kasama ang biktima at ilan pang co-nurses sa isang lokal videoke house. Pagdating ng alas10 ng gabi ay nagsiuwian na ang mga ito.

Nabatid na lamang kinabukasan ng mga kasamahang nurse ng biktima na hindi siya nakauwi ng bahay kung saan ipinaalam nila ito sa pulisya.

Natagpuan ang biktima sa isang madamong lugar sa likod ng ospital na walang malay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply