Justice for Maguindanao massacre victims

MGA MAMAMAHAYAG, estudyante, aktibista, alagad ng sining, taong simbahan, at iba pang sektor ang sabay-sabay na sisigaw ng hustisya para sa 57 katao na minasaker sa Maguindanao noong isang taon.

Sa Martes, pangungunahan ng Radio Veritas ang pagkalembang ng kampana ng simbahan sa loob ng 57 segundo sa iba’t ibang parokya sa bansa.

“Ang simbahan ay nakikibaka at pinararating sa pamahalaan na tapusin kaagad ang Ampatuan trial sapagkat justice delayed is justice denied,” ani Father Anton CT Pascual, president at chief operating officer ng Radio Veritas.

People’s jury

Sa hanay naman ng mga mamamahayag, papangunahan ng National Press Club (NPC) of the Philippines ang pagtatatag ng “Hukuman ng Mamamayan” or “People’s Jury” sa November 23, Martes.

Sa pamamagitan ng raffle, 12 tao na karamihan ay galling sa NPC ang pipiliin bilang bahagi ng jury. Gagamitin sa mock trial ang mga ebidensiyang iprinisenta sa totoong trial.

Walang intensyon ang mock trial at promulgasyon na impluwensiyahan ang mga tototong hurado sa paglilitis ng kaso, ayon kay NPC president Jerry S. Yap.

“(It will be just a venue) to continue the cry for justice and to express the journalists’ disgust toward the very slow trial system that is slowed down further by motions obviously meant to delay the proceedings,” ani Yap.

Matapos ang promulgasyon ng mock trial, magsusunog ng higanteng effigy ng backhoe kasama ang mga imahen ng mga masterminds ng massacre sa labas ng NPC building sa Manila. Isa pang imahen na susunugin ay ang kay “Atty. Misfotune,” isa sa mga pangunahing character sa mock trial.

Matapos ang people’s jury sa Martes, magsasagawa ng motorcade sa Manila ng ala-una ng hapon ang mga miyembro ng NPC. Susundan ito ng misa sa NPC office at ng candle lighting sa gabi.

Musical event

Magkakaroon din ng musical at poetry event na pinamagatang “UNREST” na pangungunahan din ng NPC at ng Bagong Alyansang Makabayan-National Capital Region.

Katulong din ang Alyansa ng Filipinong Mamamahayag, Sining Bugkos, Tudla Productions at Kilometer 64 Poetry Collective sa pag-organisa ng event.

“In one voice, members of the fourth estate and the Filipinos must unite to make our calls resound. End Impunity! Justice for the Victims of Maguindanao Massacre Now! Stop killing Journalists! Uphold Press Freedom!” anang organizers.

Candle lighting, concert

Samantala, nagsindi at nagtulos naman ng kandila nitong Linggo ang mga estudyante at musikero sa kahabaan ng Quezon Avenue para gunitain ang Maguindanao massacre.

“Until justice is served, we will not rest. Such is our commitment to justice,” ani Christopher Pasion, deputy secretary general of the College Editors Guild of the Philippines.

Meron ding concert ang grupo na pinangunahan ng Musicians for Peace nitong Linggo ng gabi.

“Just as music soothes the savage beast, music calms the anguished soul. We hope that through music, our souls are assuaged. Though it does not mean that we will stop asking for justice,” ani Arthur Moses Cadungan of the Musicians for Peace- National Capital Region.

Pagsabog sa Maguindanao

Nitong Linggo ng umaga, dalawang araw bago ang anibersaryo ng Maguindanao massacre, sumabog ang isang improvised explosive device sa isang komunidad sa nasabing probinsiya.

Dalawang tao ang umano’y nasugatan sa pagsabog na kinilala na sina Alandoni Angko Ampatuan and Bailyn Dading Uy.

Agad silang dinala sa Maguindanao Provincial Hospital para ipagamot.

Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na may kaugnayan ang insidente sa paggunita ng Maguindanao massacre.

Aniya, ito ay maaaring gawa ng mga taong masasama at walang puso upang harangan ang mga pagkilos ng mga sektor sa paggunita at paghingi ng hustisya para sa mga biktima ng masaker.

Nahaharap sa 57 counts of murder si Andal Ampatuan Jr., ang kanyang ama, mga kamag-anak, mga pulis at militiamen kaugnay sa karimarimarim na pagpaslang sa mga biktima.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply