Kelot binaril sa inuman

NASA kritikal na kalagayan ang isang lalaki matapos barilin ng siga sa kanilang lugar habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan, sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Joseph Bolevard, 25, ng Maya-Maya st., Longos, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jimbo Rosales, nasa hustong gulang, ng naturan ding lugar.

Sa ulat, dakong 1:45 ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan malapit sa kanilang bahay nang dumating ang suspek at walang salitang pinutukan si Bolevard.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala sa JRMMC ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng nasabing insidente kung saan sinasabing siga-siga ang suspek kahit kapatid ito ng purok leader sa lugar. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply