Kilabot na holdaper pinatay ng mga kasamahan

DEAD-on-the-spot  ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng kilabot na grupo ng mga holdaper makaraang pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan,  sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilala ni Supt. Marcelino Pedroso na si Bong Sarmiento, 38, walang trabaho ng 13 rd., 44 Dupax st., Brgy., Old Balara.

Ang mga suspek ay tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon matapos na isakatuparan ang krimen at masigurong patay na ang biktima.

Ayon sa ulat ni PO3 Aldin Lasam, naganap ang krimen pasado alas-7:30 ng gabi, ilang metro lang ang lapit sa tinitirhan ng biktima.

Lumitaw sa pagsisiyasat, pauwi na ang biktima at naglalakad  na sinundan ng apat na armadong kalalakihan.

Nang makalapit ang mga suspek ay walang humpay na pinaputukan ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.

Natagpuan ng mga awtoridad ang limang basyo ng hindi pa mabatid na bala ng baril na ginamit ng mga salarin.

Tinukoy ng pulisya na ang biktima ay nasangkot na sa mga serye ng holdapan at labas-masok na rin  sa bilangguan.

Malakas din ang paniniwala ng mga awtoridad na isang paghihiganti ang motibo at malamang na onsehan ng partihan sa kanilang mga nakulimbat ang naging dahilan ng krimen. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply