Killings patuloy, kung di masawata ni P-Noy ang private armies

DI MATITIGIL ang political killings kung hindi masasawata ng administrasyong Aquino ang laganap pa ring warlordism at private armies sa bansa.

Ito ang tinuran ng pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) at ng Akbayan party-list nitong  Martes, Nobyembre 23, sa unang anibersaryo ng  Maguindanao massacre na kumitil sa 57 katao, kabilang ang 32 mamamahayag.

Hinimok ni CHR chairperson Loretta Ann Rosales si President Benigno Aquino III na kaagad na ipawalang bisa ang Executive Order (EO) No. 546 na siya umanong nag-legitimize ng private armies sa bansa.

“The President should order the dissolution of all private armies…. We are requesting Pres. Benigno Aquino III to act with all deliberate speed,” ani Rosales sa isang press conference na ginanap sa Quezon City.

Ang nasabing EO na nilagdaan noong 2006 ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-utos na magtayo, magmobilisa, magsanay, at mag-armas ng Civilian Volunteer Organizations (CVOs) sa ilalim ng pamumuno ng Philippine National Police.

Naglalayon ang EO na makatulong ang CVOs sa pagpuksa sa mga terorista sa bansa.

Galamay ng warlords

Ngunit ayon sa mga kritiko ng EO, ang mga CVO ay naging mga pawang galamay lamang ng politician-warlords sa bansa, lalo na sa mga probinsiya.

Anang mga kritiko, di masawata ng national government ang mga warlord at kanilang mga private armies dahil umaasa ang mga national politician na magde-deliver ang mga ito sa kanila ng malaking boto sa panahon ng eleksiyon.

Noong 2004 at 2007 elections, malaking boto ang natanggap ni Arroyo at ng kanyang mga kapartido  sa Maguindanao na noo’y pinamumunuan pa ng mga miyembro ng Ampatuan clan.

Noong 2004 polls, malaki ang naging lamang ni Arroyo kay Fernando Poe Jr sa nasabing  probinsiya. Nakakuha si Arroyo ng 207,941 votes, samantalang si Poe ay 92,730 votes lamang. May mga mga bayan pa nga sa Maguindanao na zero votes si Poe.

Noong 2007 naman, pawang kapartido lamang na senatorial candidates ni Arroyo sa ilalim ng Team Unity ang lumalabas na ibinoto ng mga taga Maguindanao.

Matapos ang massacre sa Maguindanao noong isang taon, wala pa ring malinaw na palatandaan na nasawata na ang mga private armies ng mga local na politiko. Wala ring linaw kung ano ba talaga ang  polisiya at solusyon ng pamahalaan ukol sa warlordismo.

Noong May 2010 elections, lalo pa di umanong dumami ang private armies na konektado sa mga local politician.

Ayon kay Dante Jimenez, umabot ng 117 ang bilang ng private armies noong nakaraang enational elections mula sa 68 lamang noong itanayo ang Zenarosa Commission noong December 2009. Ang nasabing komisyon ang naatasan noon ni Arroyo na mag-disband ng private armies sa bansa.

Tinatayang may 600 pa umano ang mga galamay ng pamilya Ampatuan na nasa Maguindanao sa ngayon, ayon kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.

Rural fiedom

Samantala, ayon sa Akbayan, nararapat na klaruhin ng Malacañang ang posisyon nito sa isyu ng private armies, CVOs, at iba pang police auxiliary units.

Sinisi ng Akbayan ang pagdami ng private armies sa kawalahan ng kakayahan ng national government na masawata ang “rural fiefdoms.”

“We hope the Aquino administration will not do the same. We expect it to show determination and steeliness. Hindi dapat mabaluktot ang tuwid na daan. Dahil sa tuwid na landas, dapat walang checkpoints mula sa mga warlords at private armies,” ani Ana Theresia Hontiveros, tagapagsalita ng Akbayan.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply