Kilos-emergency tiyakin sa gitna ng trapik

HUWAG gawing biro ang nararanasang grabeng trapik sa Metro Manila.

Nauugat ang heavy traffic sa tumatagas na oil pipeline ng First Philippine Industrial Corp. sa Makati City. Hinuhukay ang mga lugar na may tagas upang mapigilan na ang pagtaga ng gasolina ng Shell at Chevron at hindi manganib ang buhay ng marami sa sunog o pagsabog ng gasolina sa mga tubo.

Dahil sa delikado ang lugar, nire-route ang lahat ng mga sasakyan at pinagbawalan ang anomang uri ng sasakyan na bibiyahe sa lugar.
Kaya, kung saan-saan na lang sumusuot ang lahat ng mga motorista.

Sana nga, hanggang diyan na lang ang problema na talaga namang sobrang perhuwisyo sa marami.

oOo

Ang dating natatrapik ng isang oras ay naiistak na sa kalsada sa dalawa o tatlong oras o higit pa dahil nga riyan sa problema.

Napakarami nang napeperhuwisyo na may mga appointment o kontrata na dinadaluhan o pinipirmahan.

Pati ang pagpunta sa mga paliparan at pier ng mga biyahero at negosyante ay nayayari rin.

Nagiging magastos din ang paggamit ng produktong petrolyo ng mga may sasakyan bukod pa sa pagkasira o pagkakasangkot sa mga sagian at banggaan ng mga sasakyan.

Ang mga kalakal ay nagmamahal na rin dahil gustong bumawi ang mga negosyante sa konsumo nilang gasolina o pagkasira ng kanilang mga sasakyan sa trapik.

Pati ang mga turista ay nabubuwisit din sa trapik.

Ang pamamasyal nila sa mga panturistang tanawin sa Metro Manila sa loob lang dalawa o tatlong araw ay nababalam.

Saka nila ibabalita sa kanilang bansa kung gaano kasama ang transportasyon sa mahal kong Pinas.

oOo

Mayroon lang tayong hihilingin sa lahat ng mga motorista at pedestrian na rin.

Kung may magwangwang na mga pulis, ambulansiya at bumbero, pagbigyan na lang natin sila.

Sinasabi natin ito, mga Bro, dahil may mga tumatawa na lang kung nakariringi sila ng wangwang.

“Lumipad ka na lang,” ang sinasabi ng iba.

Pero paano ang mga may sakit o nadisgrasya na itinatakbo sa mga ospital, ang mga sunog at kung mga gawang terorismo na dapat mabilis na maaksyunan?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply