UN rep darating para sa Maguindanao massacre anib

BILANG paggunita ng unan anibersaryo ng Maguindanao Massacre, inaasahang darating sa bansa ang kinatawan ng United Nations (UN) sa Martes, Nobyembre 23.

Ayon kay Atty. Harry Roque ng University of the Philippines (UP) Law Center at isa sa mga private prosecutor  sa kaso sa panayam sa DZMM radio, kasama niyang darating sa bansa mula sa Bangkok, Thailand si UN Special Rapporteur on Freedom of Expression Frank La Rue.

Sinabi ni Roque na magkakaroon ng panayam si La Rue sa Lunes sa ground floor auditorium ng UP Law Center sa lahat ng mga naging biktima ng paglabag sa karapatan ng malayang pamamahayag kasama na ang pamilya ng mga napatay na mediamen sa Maguindanao massacre.

Ito aniya ang unang pagkakataon na bibisita sa pilipinas ang UN Special Rapporteur on Freedom of Expression.

Samantala, sa araw naman mismo ng unang anibersaryo ng Maguindanao massacre sa Martes ay babalik sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang mga kaanak ng mga biktima.

Sa Maynila naman, magkakaroon ng torch parade sa Mendiola na pamumunuan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply