Klase sa QC at San Juan sinuspinde dahil sa strike ng mga pampasaherong bus

SINUSPINDE ng Department of Education ang panghapon at panggabing klase sa Quezon City at San Juan bunsod ng malawakang transport strike ng mga pampasaherong bus.

Base sa panayam ng DZMM, sinabi ni DepEd Officer-in-Charge (OIC) Assistant Regional Director Rizalino Jose Rosales na kanselado na ang panghapong pasok ng mga bata sa pre-school, elementarya at high school, pampubliko man o pribado, sa dalawang nabanggit na lungsod.

Paliwanag ni Rosales, klase sa Quezon City at San Juan lamang ang sinuspinde dahil ang dalawang lugar ang direktang apektado ng hindi pagbiyahe ng mga pampasaherong bus.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply