Kolorum na tricycle sa Munti di mapatigil

Nag-iiyakan na po ang mga operator at driver ng mga tricycle dahil sa sandamakmak  na kolorum na tricycle na pumapasada sa NBP Muntinlupa.

Nagkakandabuhol-buhol na ang daloy ng trapiko papunta sa bayan sa dami ng mga kolorum na  tricycle na pumapasada. Halos wala nang maiuwing pera sa kanilang pamilya ang mga legal na driver dito.

Kung kayo’y mapupunta sa Muntinlupa ay magugulat kayo baka akalain ninyo ay nasa Divisoria kayo sa sobrang trapik.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo ng mga taga-TODA sa text message nila.

Sir Johnny, magandang  araw. Hihingi sana kami ng tulong sa inyo. Operator ako  ng TODA sa Poblacion, Muntinlupa City.  Napakarami na ang mga kolorum sa NBP TODA. Sobra na ang traffic dito papuntang bayan.

Halos wala  nang maiuwi ang mga legal na driver dito. Kawawa na talaga!!!
Wala nang terminal at ang resulta ay parang Divisoria araw-araw dito.

Pakikalampag naman ang LTO Muntinlupa. Marami rin ang pumapasada rito nang walang lisensya. Sana matauhan na ang Presidente naming si Nestor Garces Sr. Dahil sila lang ang mga kumikita rito sa butaw naming mga tricycycle driver and operators. Salamat po at mabuhay po kayo…

LOTENG COP SA QC PADER PA RIN

Kaya pala hindi mapatigil  ang operation ng loteng ni Lito Motors sa Quezon City  ay dahil sa ipinagmamalaki ni PO1Jasinas (intelihensiyador at collector ni Col. James Abalos) na protektado sila ni “Papa Mayor.”

Nagmamayabang pa raw ang ulol na loteng cop na ito sa kanyang among si Motors na si “Papa Mayor” ang bahala sa kanila. Maging si PNP chief Gen. Raul Pangkalso, este Bacalzo, ay di umaaksyon laban sa police protector!!!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 091892747-64,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply