Kongreso dismayado sa pang-iisnab ni Dinky

DISMAYADO ang mga kongresista sa muling pang-iisnab ni DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa pagdinig ng house committee on good government kaugnay sa isyu ng  P10-billion Poverty Eradication and Alleviation Certificate (PEACe) bonds.

Sa pagdinig kahapon, tahasang sinabi ni Sorsogon Rep. Salvador “Sonny” Escudero na labis siyang nadismaya sa hindi pagdalo ni Soliman na nagpadala lamang ng sulat kung saan sinabi niyang “she had nothing to do with the controversy and instead went in Mindanao yesterday to meet Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu.”

Iginiit ni Escudero na kailangang magpaliwanag si Soliman ukol sa alegasyong siya at ang mister nito na si Atty. Hector Soliman, isa sa board of directors ng Peace and Equity Foundation (PEF) ang nakakuha ng 90 porsiyento ng P1.3 bilyon na kinita ng Caucus of NGO Networks (Code NGO) na noon ay pinamunuan din ng kalihim. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply