Kongreso pasok sa PAL labor disputes

UPANG  mahanapan ng solusyon, pakikialaman na ng Kamara ang gusot na nangyayari sa pagitan ng pamunuan ng Philippine Airlines at ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA).

Ito ay matapos na maghain si DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay ng House Resolution 571 na nag-uudyok sa House committee on labor and employment na imbestigahan na ang gusot na ito.

Binigyang diin ni Aglipay na isa ring abogada, na tungkulin ng gobyerno na magarantiyahan ang karapatan ng mga manggagawa kung kaya dapat masiyasat ang usaping ito ng Kongreso upang masiguro na may “security of tenure” ang mga empleyado ng PAL.

Dagdag pa ng kongresista na ang naging pagkatig ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa pagtatanggal sa mga empleyado ng PAL ay may direktang epekto sa “advancement and protection of the rights and welfare of workers” at hindi lamang aniya sa airline industry.

“It is the duty of the state to guarantee the rights of all workers, an investigation is necessary in order to ensure that the right to security of tenure of the employees of PAL is not being trampled upon,” giit ni Aglipay na pangunahing tumututok sa kontraktuwalisasyon at security of tenure. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply