Konsehal ng Pasig binaril

LIGTAS na sa panganib ang isang konsehal ng Pasig City matapos barilin ng dalawang armadong lalaki, umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Ogie Reyes, inspector ng San Miguel village, nakilala ang biktima na si City Councilor Benito Apia, habang hindi pa nakikilala ang dalawang suspek na gumamit ng 45 kalibre ng baril sa tangkang pagpaslang sa naturang konsehal.

“Dati may death threat sa kanya di niya pinapansin,” ayon kay  Reyes sa isang panayam ng dzBB radio.

Dagdag pa ni Reyes, nakatayo si Konsehal Apia sa labas ng kanyang kambingan nang may lumapit sa kanyang dalawang lalaki. Binaril ng isang suspek ang biktima na tumama sa kanyang mukha at sa katawan habang ang isang suspek naman ang nagsilbing look-out.

Agad tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply