Kris Bernal, bagong target ni Jolo Revilla

BAGAMA’T wagi si  Jolo Revilla bilang kapitan sa kanilang lugar sa Cavite, mukhang nanahimik naman ang isyu sa kanila ni Melissa Ricks. Marahil ayaw nang makigulo ni Jolo dahil napapabalitang very much on pa rin sina Jake Cuenca at Melissa.

How true na ang bagong tinatarget ngayon ni Jolo na ligawan ay ang kapuso star at bida ng ‘Koreana’ na si Kris Bernal?

‘Yan ang abangan natin!

KISSING SCENE NINA TONI GONZAGA AT JOHN LLOYD PINAG-UUSAPAN

Pinag-uusapan ang pagpayag ni Toni Gonzaga na makipaghalikan kay John Lloyd Cruz sa pelikulang ‘My Amnesia Girl’ na palabas sa November  24. Kung dati ay smack lang, ngayon ay todo na!

“It’s about time,” tumatawang pahayag ng magaling na tv host –actress.

“ ‘Yung pagmamahal ko kay Direk Cathy (Garcia-Molina), at kay John Lloyd sa pelikulang ito, sobra-sobra.
Kaya kung anong hihilingin sa akin, ibibigay ko,” dagdag  pa niya.

“Hindi ko naman po first kiss ‘yon onscreen. May mga bigla-biglaan na rin po na nagaganap na smack doon sa mga dati kong nagawang pelikula. Pero biglaan lang.

May eksena rin sila ni Lloydie na topless ang actor at inamoy-amoy niya ang shirt.

“Mabango si Lloydie, fresh! Oo, fresh naman siya. Wala siyang amoy, ” game pang sagot ni Toni.

Kasama nila sa ‘My Amnesia Girl’ sina Joross Gamboa, Carlos Agassi,Ketchup Eusebio,JM De Guzman, Beatrice saw at Atoy Co.

Wala pang nagagawang serye si RR Enriquez. Hindi dahil walang offer sa kanya. May mga offer naman kaya lang hindi niya ito tinatanggap.

Ang dahilan, ang mga binibigay sa kanya ay required na makipag-kissing at bed scene siya. Hindi pa raw siya handa sa mga ganoong eksena.

“Parang nahihiya akong gawin yun sa harap ng kamera, parang naasiwa ako,”sabi ni RR na parang kinabog pa siya nina Kim Chiu at Bea Alonzo pagdating sa kissing scene.

Nasubukan na raw naman ni RR na makipaghalikan. Pero sa mga naging boyfriends lang daw niya.

“Sa akin naman okey lang yung lokohan na halikan lang, gaya nang ginagawa ko rati na ini-smack ko yung mga male guest namin sa Banana Split. Pero yung talagang laplapan, hindi ko talaga carry,”

Okey lang naman kay RR kahit hindi siya napapanood sa isang serye. Masaya na rin naman daw siya dahil dalawa ang show niya ngayon ‘yung Banana Split at yung Pabida Ka!,  kasama si Aaron Atayde na napapanood naman sa Studio 23.

-0o0

Kumalat na hanggang Nov. 28 na lang ang  Pilipinas Win na Win ng ABS-CBN at papalitan ito ng teen variety show na Shoutout. Pero ayon kay Sir Bong Osorio, head ng Corporate PR ng ABS-CBN ay hindi pa raw mawawala sa ere ang PWNW.  Yung ‘Shoutout’ daw ay mapapanood ng alas singko ng hapon. Hindi raw sa timeslot ng PWNW.

Napag-alaman din namin na ang hosts ng bagong youth oriented show ay sina  Enchong Dee, Erich Gonzales, Empress Schuck, Sam Concepcion, Robi Domingo, Arron Villaflor and Enrique Gil.

Balita rin na isang bagets actor ng TV5 ang lilipat sa show na ito at magiging member ng CASR.

Talbog! Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply