Kuliglig drivers sumugod sa SC

SUMUGOD sa Korte Suprema ang mga driver ng kuliglig sa Maynila upang hilingin na ipawalang bisa ang Executive Order 16 at 17 na ipinalabas ni Manila Mayor Alfredo Lim kamakailan.

Sa ilalim ng  EO 16 at 17, nagtatakda na kumuha ng prangkisa ang mga kuliglig sa LTFRB hanggang Disyembre 1 upang mapahintulutan silang bumiyahe.  Iginiit naman ng mga driver ng kuliglig na hindi makatwiran ang inisyu ni Lim dahil na rin sa mawawalan sila ng kabuhayan.

Nais ng Alyansa ng Nagkakaisang Pedicab at Kuliglig  (ALNAPEDKU) na magpalabas ng temporary restraining order ang SC upang mapigilan ang pagpapatupad ng EO 16 at 17.

Sinabi ni Fernando Piccoro, tagapagsalita ng ALNAPEDKU, na tutol sila sa nasabing kautusan dahil libu-libung mga driver na umaasa sa pagpasada ng kuliglig ang mawawalan ng hanapbuhay lalo pa at magpa-Pasko na.  T. Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply