Kung si Boy Abunda ang King of Talk: Cristy Fermin, may K sa Queen of Talk show title

KUNG si Boy Abunda ang may titulong King of Talk Show, si Cristy Fermin naman angmay karapatan ngayon sa titulong Queen of Talk Show

Ito ang opinyon ng nakararaming viewers na mahilig ng mga talk show sa telebisyon. Bagamat hindi inaangkin ni Cristy ang nasabing titulo dahil para sa kanya ay si Lourdes Carvajal a.k.a. Inday Badiday pa rin ang Talk Show Queen.

Sa henerasyon ngayon ng mga hosts ng showbiz-oriented talk show ay mas malawak ang karanasan at nalalaman ni Cristy Fermin dahil aral siya kay Inday Badiday.

Tulad ni Ate Luds, may sariling diskarte si Cristy na host ng “Juicy” at “Paparazzi” ng TV5 sa paghahanap ng napapanahon at maiinit na isyu at intriga. Mas malalim na pagtalakay ang ginagawa niya kapag may controversial na dapat tutukan.

At sa programa niyang Juicy, hindi siya nakikipag-agawan ng exposure sa mga kasamahang host. Sa halip, siya ang nagsisilbing “kapitan ng barko” at “mother hen” ng mga ito and hinahayaan niyang mag-shine ang mga ito para magkaroon ng kalayaan ang kanilang galing sa pagho-host.

Ito ang paraan ni Cristy Fermin ng pagbabalik ng utang na loob sa dati niyang mentor na si Inday Badiday na siyang dahilan para siya makilala sa showbiz.

***

Sa Ripley`s Believe It Or Not, napapanood na tuwing Linggo sa QTV 11 at 8:10 to 8:45, hosted by Chris Tiu, maniniwala ka ba, babae dahil sa pangarap na lumaki at makapagtrabaho bilang flight attendant, babaliin ang buto sa binti para tumangkad! At modelo para masuportahan ang mga alagang ahas,nagpapicture kasama ang malalaking sawa! Ilan lang yan sa mga istoryang tatatak at magpapabilib sa inyo ngayong Linggo.

***

Kaba at excitement daw ang nararamdaman ni Rufa Mae Quinto sa nalalapit na 24th PMPC Star Award for TV kung saan isa siya sa mga nominado para sa kategoryang Best Comedy Actress of the Year sa “Bubble Gang” na nominado din sa kategoryang Best Gag Show of the Year.

Kahit sabihing ilang beses na rin siyang nanalo sa naturang kategorya ay hindi pa rin daw maiwasan ni Rufa Mae ang kabahan na bida rin sa fantasy/sitcom na :Kaya ng Powers kasama sina Joey Marquez, Rhian Ramos, Sheena Halili at iba pa, lalo na raw alam niyang mabibigat din ang co-nominees niya sa nasabing kategorya.

Every year ay napapansin ang galing ni Rufa Mae bilang comedy actress at may kakaibang excitement pa rin siyang nadarama kapag siya ang tinanghal na winner.

Kaya naman kahit anong mangyari raw ay hindi niya puwedeng balewalain ang mga programa niya sa GMA 7, na bukod sa nagpapasaya sa kanya ay naghahatid din ito ng saya sa mga viewers, lalo na ang Bubble Gang at Kaya ng Powers.

Anyway, si Rufa Mae na kaya muli ang tatanghaling Best Comedy Actress sa gaganaping awards night ng PMPC Star Award for TV, this November 13, sa Resort World sa Paranaque City?

***

Kinumpirma na nga ni Luis Manzano na hiwalay na sila ni Angel Locin at malabo nang magkabalikan pa sila.

“Siguro, we chose to go separate ways na.Wala nang lalabas na detalye sa aming dalawa. Let`s leave it at that. Yun na talaga ang reasonable na daan para sa amin,” say ni Luis.

“Kung anuman ang nai-share ko kay Toni (Gonzaga), never niyang naging intention na ipagkalat ito. She was just giving her two cents worth in the issue but she also wants to protect me and Angel,” dagdag pa ni Luis.

Yung decision naman daw niya sa Twitter post na he wants to be a changed man has nothing to do with Angel.

“May mga bagay na gusto mong gawin at hindi na dapat hintayin pa ang New Year. I realized there`s something that isn’t right so it`s never late to change,” pagtatapat pa ni Luis.

Aminado si Luis na nasaktan niya nang husto si Angel at ito raw ay kanyang pinagsisisihan.

I hope lang sa sinabi niyang sinaktan niya si Angel ay hindi ito physically dahil may naglabasan na sinasaktan physically ni Luis ang original na gumanap na Darna bago ito lumipad patungong ABS CBN? Gerry Ocampo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply