Labi ng 3 OFWs na nasunog sa Dubai, nakauwi na

INIUWI na sa Pilipinas ang labi ng tatlong overseas Filipino workers na namatay sanhi ng sunog sa United Arab Emirates.

Dumating ang mga labi nina Krisleen Francisco, 32; Ariel Soberano, 30; at Renalyn Luna, 29, bandang 10:30 p.m. ng Huwebes kung saan sinalubong ang mga ito ng kanilang pamilya kasama ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, naganap ang sunog sa Satwa area  sa Dubai noong Nobyembre 6.

“The three fatalities were asleep in one room together with two of the survivors, who managed to escape through the window,” ayon sa report ni Philippine Consul General Benito Valeriano.

Nabatid sa DFA na tatlong oFws din ang nasugatan sa naturang sunog kung saan dalawa sa mga ito ang nagtamo ng minor injuries, habang nagtamo naman ng second-degree burns sa mukha, likod, braso at apat na daliri sa paa ang isa pa na nakaratay ngayon sa Surgical Intensive Care Unit ng Al Rashid.

“When they woke up, the apartment’s receiving room and kitchen were all in flames and no exit can be used,” dagdag pa ng DFA.

Ayon naman sa report ng news site Bulatlat.com, nagtatrabaho si Francisco bilang saleslady, waiter naman si Soberano habang waitress si Luna sa naturang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply