Labi ng nalunod sa Antipolo, narekobrer na

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isang menor de edad na nalunod sa isang ilog sa Antipolo kagabi.

Ayon kay Sinabi ni PCG Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo, nakuha ng kanilang Special Operation Group ang labi ng biktimang si Desirie Loud bandang 5:30 kaninang umaga.

Bandang alas 10:00 aniya kagabi nang makatanggap sila ng ulat na may apat na nalunod sa isang ilog  sa Antipolo kung saan tatlo sa mga ito ang naisalba ng mga residente.

Inihayag ni Balilo na inaalam pa nila kung ano ang dahilan ng pagkalunod ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply