Koalisyon para sa dagdag-suweldo, binuo

NAGKAISANG magtatag ng isang koalisiyon ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa upang igiit ang kanilang iisang panawagan para sa mas mataas na pasahod.

Itinatag ng mga progresibong manggagawa at mamamyan ang Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan (KPMM) upang mas lumakas pa ang kanilang kampanya para sa maayos na dagdag suweldo ng mga manggagawa.

Kabilang dito ang Kilusang Mayo Uno (KMU), Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Alliance of Health Workers, Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) at iba pang organisasyong binubuo ng mga indibiduwal mula sa sari-saring sektor.

“Now is the time for a substantial wage increase. For more than nine years under the Arroyo regime, we workers failed to receive any substantial wage increase. What we got were small increases together with soaring prices of basic goods and decreasing social services,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson at KPMM co-convenor.

Maliban umano sa paggawa ng hakbang upang maputol na ang kanilang mahabang paghihintay para sa umento sa sahod, nais din malabanan ng koalisyon ang nangungunang paraan ng mga kapitalista at ng pamahalaan para mapigilan ang pagdadagdag sa suweldo ng mga manggagawa – ang kontraktuwalisasyon sa pagtatrabaho.

Matagal nang umaapela ang mga organisasyong ito sa Kongreso na pagtibayin na ang panukalang P125 legislated wage hike, gayundin ang P6,000 na dagdag sa pinakamaliit na sahod naman ng mga kawani ng gobyerno.

At bilang bahagi ng kanilang kampanya, maglulunsad ang mga ito ng malaking protesta sa Nobyembre 30, araw ng paggunita sa kabayanihan ni Gat. Andres Bonifacio.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply