Laborer patay sa tinangay na scooter

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung ano ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng isang laborer na natagpuang duguan at nakahandusay sa West service road, Kalayaan Merville, Pasay City.

Ang biktimang si Jonathan Edianel, 19, ng KAI Cmpd., Brgy. 201, Kalayaan, ay natagpuang may mga sugat sa ulo, braso at likod habang nakatagilid sa lansangan, dakong 5:00 ng madaling araw.

Batay sa pahayag ng ama ng biktima na si Joven Edianel, 46, driver, dakong 10:00 kamalalawa ng gabi, tinangay ng biktima ang kulay pulang scooter na may plakang 9191-PS na pag-aari ng kanilang kapitbahay na si Edward Punzalan, 22, fish vendor.

Dakong 7:45 ng umaga, nagulat na lamang umano siya nang mabalitaan ang pagkamatay ng anak gamit ang tinangay na scooter.

Kaugnay nito, inaalam pa ng awtoridad kung self accident o hit & run ang sanhi nang pagkamatay ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply