Lacson malabong malinis ang pangalan sa kasong murder — de Lima

MALABONG malusutan ni dating PNP chief na ngayon ay pinaghahanap ng batas na si Senador Panfilo Lacson ang kasong pagpatay kina dating PR man Salvador “bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maliit na lamang ang tsansa o pag-asang malinis ang pangalan ni Lacson sa nabanggit na krimen.

Ang tugon ng kalihim  ay kasunod ng pagkokonsidera na gamitin niya ang tinatawag niyang plenary power bilang kalihim ng kagawaran.

Ayon sa kalihim, maaari niyang gawin ang re-investigation sa  kaso pero kailangan aniya ang approval ng korte.

Nabatid sa kalihim na nakapokus ngayon ang kaniyang atensyon sa desisyon para arestuhin si Lacson alinsunod na rin sa kautusan ng Manila Regional Trial Court.

Nilinaw din ni De Lima na maaari pa namang umapela ang kampo ng  senador para sa nasabing legal remedy kung ang mga testigo ay may salu-salungat at pabagu-bagong pahayag.

“I can always exercise that option of plenary authority for reinvestigation, but any result or outcome of my reinvestigation will be subject to approval by the court,” ani De Lima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply