Pagtatago ni Lacson sa ‘abroad’ drama lang–DOJ

KUMBINSIDO  si Justice Secretary Leila de Lima na sa Pilipinas nagtatago si Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Sinabi ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) na base sa mga nakalap na intelligence report, nasa bansa pa rin si Lacson.

Dahil dito, nagsagawa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng operasyon sa pagdakip sa senador upang pormal nitong harapin sa korte ang pagkakasangkot sa kanya sa kasong Dacer-Corbito double murder.

Tumanggi naman si De Lima na magbigay pa ng ibang detalye tungkol sa kaso ni Lacson dahil posibleng maapektuhan ang operasyong ginagawa ng NBI.

Samantala, may dalawang teorya din umanong tinitingnan ang DOJ. Isa dito ay ang anggulong nakalabas ng bansa si Lacson noong Enero, subalit muli itong nakabalik sa bansa sa pamamagitan ng pagdaan sa “backdoor.”

Ang pangalawang teorya ay hindi ito tunay na lumabas ng bansa kaya’t isang palabas lamang ang pagtungo nito sa airport.

Samantala, inatasan na rin ni De Lima ang NBI na may posibilidad na mayroong kinalaman ang dating driver ni Lacson na si Reynaldo Oximoso,60, na nauna nang naaresto sa Brgy Binukawan, Bataan dakong 11:45 ng umaga noong Lunes, Nobyembre 1, 2010.

Si Oximoso ay isinasabit din sa Dacer-Corbito double murder case, ngunit pinag-aaralan umano ng DOJ kung maaari itong maging testigo laban sa nagtatagong senador.

Si Oximoso ay driver ni Lacson mula 1996 hanggang 2004, kaya’t possible umanong mayroon itong nalalaman sa nasabing kaso.

Si Oximoso naman ay naaresto dahil sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) dahil sa kasong pagpatay sa limang pulis Quezon City. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply