Lakers hinalibas ang Blazers

Patuloy ang pamamayagpag ng Los Angeles Lakers sa regular season ng NBA sa kanilang 7-0 record.

Pinakahuling biktima ng koponan ang Portland Trail Blazers sa iskor na 121-96.

Si Pau Gasol ay nagtala ng “triple-double” sa kanyang 20 points, 14 rebounds at 10 assists.

Samantala si Lamar Odom ay mayroong 21 points at 12 rebounds.

Samantala, bahagyang nakabangon ang Phoenix Suns sa pagkawala ng kanilang big man na si Amare Stoudemire.

Tinalo ngayon ng Suns ang Atlanta Hawks sa iskor na 118-114.

Pinangunahan naman ni Jason Richardson ang winning team sa kanyang 21 points habang si Steve Nash ay nag-ambag naman ng 19 points at 15 assists.

“It’s going to take us a month, two months, to get to the point where we really know who we are,” ayon kay Nash kaugnay sa pagkawala ni Stoudemire.

Ito naman ang kauna-unahang talo ng Hawks pagkalipas ng anim na laro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply