Lakers unbeaten pa rin

KUMAMADA si Pau Gasol ng 26 points at 12 rebounds habang si Kobe Bryant ay nagdagdag ng 20 points dahilan upang manalo ang Los Angeles Lakers at manatiling unbeaten  sa pagsisimula ng season taglay ang 107-83 victory laban sa Golden State Warriors kahapon.

Si Lamar Odom ay humakot ng 16 points at 14 rebounds para sa Lakers na walang kahirap-hirap na pinaangat ang kartada sa 3-0 kasama na rito ang 10th consecutive win laban sa kanilang mga kalapit-estado.

Sa iba pang laro, tinapos naman ng Miami Heat ang pagiging unbeaten ng New Jersey Nets matapos nila itong durugin kahapon, 101-78.

Nagtuwang sina Chris Bosh, Dwyane Wade at LeBron James sa paggiba sa Nets.

Kasabay nito, ang Los Angeles Clippers naman ay tinalo ng Dallas Mavericks, 99-83, habang ang Utah Jazz ay pinataob ang Oklahoma Thunder sa iskor na 120-99.

Ang Denver Nuggets naman ay nilagpasan ang Houston Rockets sa iskor na 107-94 kahapon habang ang Chicago Bulls ay walang awang sinuwag ang Detroit Pistons, 101-91.

Samantala, nalulungkot ngayon ang mga NBA cagers at pamunuan nito matapos mamatay si dating Portland Trail Blazers star Maurice Lucas sa edad na 58.

Si Lucas na tumulong sa Blazers para makakuha ng titulo noong 1977 ay iginupo ng bladder cancer. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply