Lalaki binistay ng bala sa gitna ng lansangan

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang mister makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa San Antonio, Cavite City.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite provincial police director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay kinilalang si Francisco Evangelista, 30, may-asawa, walang hanapbuhay at residente ng 1284 Cable Way, Calumpang, Binangonan, Rizal.

Hindi nakilala ang suspek, na mabilis na nakatakas sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka tangay ang isang kalibre .45 na baril na ginamit nito sa pamamaslang. (G. Bonilla)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply