Lalaki binoga nang malapitan

NAMATAY ang lalaki matapos barilin nang malapitan ng kaalitan nang magkita ang dalawa sa isang inuman sa Guyabano st., Potrero, Malabon City.

Ang biktma ay nakilalang si Cris Dimabasa, 25, may-asawa, at residente ng 96  Guyabano st., ng nasabing barangay. Ang suspek na agad namang naaresto ay nakilalang si Glenn Alarco, 24, binata, residente ng 131 Macopa st.

Sa ulat na natanggap ni Supt. Reynaldo Orante, ganap na 12:44 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa hindi kalayuan sa bahay ng biktima. Nabatid na mayroon nang matagal  na alitan ang dalawa nang makita ng suspek na nakikipag-inuman ang  biktima sa  mga kaibigan nito kaya muli nitong binalikan.

Mula sa likuran ay pinaputukan nang malapitan sa kanang bahagi ng ulo ng biktima na siyang agaran nitong ikinamatay.

Matapos maisagawa ang krimen  mabilis na tumakas ang salarin subalit sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Police Community Precinct -2 ay hindi na nagawang makatakas pa ng salarin. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply