Lalaki buking sa pananaksak

HINDI inakala ng isang lalaki na ang paghatid sa pagamutan sa kainuman na kanyang sinaksak ang magiging dahilan upang siya ay maaresto ng mga awtoridad matapos ituro ng ilang saksi, sa Malabon City.

Ang suspek na nakapiit ay nakilalang si Christopher Lalin, 24, ng Interior Sacristia, Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, habang pinaghahanap naman ang kasama nito na si Arvin Franciso na mabilis na nakatakas matapos ang insidente.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng saksak sa kanang kilikili ang biktimang si Mon Alvin Cruz, 23, kapitbahay ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Edsel dela Paz, naganap ang insidente ganap ng 2:00 kahapon ng madaling-araw, sa loob ng Butchoy Grill and Restaurant, na matatagpuan sa kahabaan ng Leoño st., Brgy. Tañong.

Unang nakitang nakikipag-inuman ang biktima sa ilan nitong kaibigan kabilang ang dalawang suspek nang bigla na lang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Ayon sa mga saksi, kaagad na inundayan ng mga suspek ang biktima ng saksak at sa pag-aakala ni Lalin na hindi siya makikilala ng mga saksi ay ito pa mismo ang nagsugod kay Cruz sa pagamutan. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply