Lalaki kinarne

NAKARATAY sa pagamutan ang isang ama ng tahanan matapos saksakin ng lasing na kapitbahay habang ito ay nagpapahangin sa labas  ng kanilang tahanan sa Navotas City.

Ang biktima na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga saksak sa katawan ay nakilalang si Vergilio Tilan, 49, ng 138 A. Cruz st., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Agarang inatasan ni Supt. Bernard Tambaoan ang mga tauhan na dakpin ang suspek na si Mio Baluyot, kapitbahay ng biktima, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman, naganap ang insidente dakong 10:30 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa mga imbestigador, lumabas ang biktima upang magpahangin nang dumaan ang lasing na suspek na kaagad nagbunot ng patalim at nang-unday ng saksak. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply