Lalaki kinatay sa araw ng Undas

HUMABOL sa Araw ng Undas ang isang lalaki matapos  tadtarin ng saksak nang matagal na nitong kaalitan nang kapwa magkasalubong,  kamakalawa ng umaga, sa Estrella st.,  Northbay Boulevard South, Navotas City.

Ang biktima na nagtamo nang maraming saksak sa katawan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Orlando Pulitan, 45, may asawa, ng 306 Strella st., ng nasabing siyudad

Kinilala rin ni Supt. Bernard Tambaoan ang suspek na si Orlando Ramirez, alyas ‘Olan”.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman, ganap na 6:40 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Estrella St., NBBS  Navotas.

Nabatid na matagal na may alitan ang dalawa at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita ang mga ito at palihim na sinundan ng suspek.

Matapos maabutan ang biktma ay agad nagbunot ng patalim si Ramirez at sunud-sunod na pinagsasaksak si Pulinta hanggang sa bumagsak ito.

Matapos maisagawa ang pamamaslang mabilis na tumakas ang suspek na dala ang ginamit na patalim, habang ang biktima ay kaagad na dinala sa pagamutan subalit  hindi nagtagal ay binawian din siya ng buhay. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply