Lalaki nagtangkang manunog timbog

Nakulong ang isang lalaki matapos magwala at tangkain sunugin ang tinitirhang tahanan sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Ruel de Castro, 47, ng Gumamela st., Bagong Barrio, ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi, nagwawala ang suspek hanggang sa pumasok sa kanilang bahay, at nang lumabas sa pinto ay dala ang isang tangke ng Liquefied Petroleum Gas.

Pinasingaw ng suspek ang LPG habang hawak ang isang lighter subalit isang residente ang nakadamba kay de Castro bago masindihan ang lighter.

Gulpi ang inabot ng suspek sa mga kapitbahay na nabuwist bago dinala sa presinto. (Rene Manahan)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply