Lalaki ninakawan bago binigti ng kainuman

BINIGTI at pinagnakawan pa ang isang lalaki ng mga kainuman nito sa isang kubo, sa Pililla, Rizal.

Kinilala ang biktima nasi Aldwin Jesuitas Sicosana, residente ng Pendon st., Brgy. Niogan, sa nabanggit na bayan, at ang mga hindi nakilalang salarin na  kainuman nito ay tumakas matapos ang insidente.

Bandang-5:30 ng umaga nang matagpuan ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame ng isang kubo na nakatali ng lubid ang leeg sa kisame.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas- 6:00 ng hapon kamakalawa, na nakikipag-inuman sa ilang kalalakihan sa isang kubo sa Brgy. Niogan.

Napag-alaman sa pulisya, na posibleng nilasing muna ang biktima saka pinagnakawan ng cellphone at pitaka subalit nanlaban kaya pinagtulungan talian ng lubid sa leeg saka binigti.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa biktima at makilala ang mga ito para papanagutin  sa krimeng ginawa.  Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply