Lalaki pinatay ng kaalitan

HINDI  na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos barilin nang malapitan ng kaalitan nito matapos magkita, kamakalawa, sa Brgy. Catmon, Malabon City.

Ang biktima na dead-on-arrival  sa MCU hospital sanhi nang tama sa ulo ng kalibre .45 na baril ay nakilalang si  Ronnie Evarlosa, 44, may asawa, ng Sitio 6, Catmon, ng nasabing lungsod.

Pinangunahan mismo ni Supt. Reynaldo Orante  sa kanyang mga tauhan ang agarang pagdakip sa suspek  na nakilala lamang sa alyas  “Renan “.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, ganap na  6:45 kamalakawa ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Napag-alaman na dating magkaibigan sina Renan at Ronnie pero naghiwalay lamang ang pagkakaibigan nitong nakaraang  barangay at SK election na kapwa may pinapanigang kandidato.

Dahil dito,  patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at para madakip kaagad ang salarin. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply