Lalaking may sakit na asthma patay sa Bulusan

HINIHINALANG dahil sa abo na ibinubuga ng Bulusan Volcano kung kaya namatay ang isang lalaki na may sakit na asthma na naninirahan malapit sa naturang bulkan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang namatay na si Rolando Purino Jr., 28, ng Cogon village,  Irosin town, Sorsogon.

“[Purino], from Cogon [village] in Irosin town, was reported dead; he had been diagnosed with asthma,” ayon pa sa report ng NDRRMC.

Samanta, hindi naman malinaw kung may katotohanang dahil sa ash fall kung kaya nagkaroon ng respiratory problem si Purino ngunit pinaalalahanan na rin ng mga awtoridad ang mga residente na pag-ingatan ang kanilang kalusugan laban sa abong ibinubuga ng naturang bulkan.

Naitala ng NDRRMC na may 2, 712 pamilya o may 13, 561 katao na ang apektado ng pag-aalburoto ng naturang bulkan sa Casiguran, Juban at barangay Irosin.

Limang evacuation center na ngayon ang tumatangkilik sa mga naapektuhan kung saan may 62 pamilya o 284 katao na ang nananatili rito.

Kaugnay nito, nakapagtala na ng 20 volcanic quakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) simula pa noong umaga ng Huwebes.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply