Lalaking pinukpok ng bato patay

BASAG ang ulo ng isang lalaki nang matagpuan itong wala nang buhay sa harapan ng isang supermarket, sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 25 at 30 anyos, katamtaman ang gupit ng buhok, may tattoo na “Jerden” sa kanang braso at “Jerry Bagsak” sa kanang dibdib at nakasuot ng red t-shirt at camouflage na short pants.

Sa report ni  PO1 Raymundo Sabino, dakong 10:30 ng gabi nang natagpuang patay ang biktima sa harapan ng Makro supermarket, sa Road 10, Brgy 128, Zone 10, Tondo.

Nabatid sa ‘di nagpakilalang lalaki na nagbibisikleta siya nang mapadaan sa lugar at nakita ang katawan ng biktimang duguan na nakabuglagta sa kalsada.

Kaagad niyang ipinagbigay-alam kay Kagawad Jessie Tagle ng Brgy. 12 ang nasaksihan at agad namang nagreport sa pulisya ang opisyal.

Basag ang kanang bahagi ng ulo ng biktima na hinihinalang pinukpok ng bato. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pagkakakilanlan sa suspek. Jocelyn Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply