Langis nagkalat sa loading bay area ng Edsa-Ayala

HINIHINALANG sinadya ang pagkakalat ng langis sa loading bay area ng Edsa kanto ng  Ayala Ave. sa Makati.

Ayon sa radio report, pasado 3:00 am nang mapansin ng mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagkalat na langis na may halong grasa.

Ayon kay  MMDA Chairman Francis Tolentino,posibleng sinadya ang pagkakalat ng langis, bilang bahagi ng protesta ng mga bus company sa pagpapatupad ng number coding sa mga pampasaherong bus.

Bandang alas nuwebe ng umaga naman nang tuluyang nalinis ng MMDA ang ikinalat na langis.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply